Posts

Hinog sa Pilit: Kabanata 1: Private Folder

☰ Chapters Simula: Kabanata 1: Private Folder Kabanata 1 Private Folder Malungkot ang naging pag-alis nila Kuya Jim. Binalak pa ni Papa na ihatid sila pero tinanggihan na nila ito dahil ayaw na raw nilang maka-abala pa. Nakakalungkot isipin na hindi ko na makakasama si Kuya Jim. Sa dalawang araw kasing nakasama ko siya ay ramdam na ramdam ko ang pagiging Kuya niya. Maka-ilang beses ko ring gustong itanong sa kanya ang nakita ko na ginagawa nilang dalawa ni Mang Jun kaya lang ay naduduwag ako. Siguro ay isa na lamang 'yong ala-alang iiwan nila rito sa dati nilang bahay. Malapit na rin ang pasukan, naipakilala narin ako ni Kuya Jim sa ilang mga kaibigan niya pero hindi ko parin maiwasang kabahan. Alam ko naman kasing hindi ko magiging kaklase ang mga iyon dahil mas matanda sila sa akin. Ibinilin rin sa kanila ni Kuya Jim na bantayan raw ako at huwag silang papayag na may mang-away sa akin. Natuwa naman ako sa naging bilin niya dahil alam ko ng may pro-protekta ...

Hinog sa Pilit Simula

☰ Chapters Simula: Kabanata 1: Private Folder Simula Hinog sa Pilit Hindi ko alam kung ilang butong hininga na ang ginawa ko. Nakadungaw lang ako sa bintana habang umaandar ang aming sasakyan, papasikat palang ang araw pero gising na gising na ang aming diwa. Si Papa ang nag-dra-drive ng aming pick-up, kasunod naman namin ang truck na pinag-lagyan ng aming mga gamit. Doon nakasakay si Mama at ang aking kapatid na si James. Laking probinsya kami. Sa La Union ako ipinanganak at lumaki, pero ngayon ay lilipat na kami ng Maynila. Noong pandemic kasi ay nag-tayo si Mama ng food business, online lang ito nag-umpisa hanggang sa napalago niya dahilan para makabili kami ng bahay sa Maynila. Maganda ang aming bahay na nabili base na rin sa mga pictures na nakikita ko. Ang sabi ni Papa, dating paupahan raw ang bahay na 'yon. Ibinenta ng may-ari dahil lahat daw sila ay nag migrate na sa ibang bansa. Ito ang unang beses na makikita ko ang bahay. Ilang beses nang binisita ...

Wakas

☰ Chapters Simula: Si Joffer Kabanata 1: Si Bryan Kabanata 2: Si Kagawad Romel Kabanata 3: Si Justine Kabanata 4: Si Jim Kabanata 5: Wakas WAKAS Wakas Halos hindi na bumitaw sa pag kakayakap si Rea sa asawang si Jun. Naluha luha pa ito habang paulit-ulit ang bilin sa asawa. "'Yong bahay! Baka mamaya mapabayaan niyo. 'Yong tindahan ko Jun, 'wag mo isasarado 'yon." Sabi nito. "Ako na bahala." Sabi nito. Nasa airport sila ngayon. Ihahatid nila ang asawa na palipad ngayon sa Canada. Na approbahan na kasi ang petition dito ng anak. Dalawa dapat sila ni Jun ang pupunta pero nag karoon ng problema sa papeles ni Jun kaya nahuli ang kanyang petition. "Mag pakabait kayo ha! 'Wag pasaway kay Tatay!" Bilin naman nito kay Jim at Justine. Sabay silang tumangong dalawa. Maraming nangyari makalipas ang dalawang taon. Nakulong si Aries dahil nahulian ng droga, matagal naring walang paramdam ang Nanay nito na...